Thursday, August 2, 2012

THERE’S NO ROOM FOR MY DRAMA



Should I blame you for what you did or what you didn’t do? Maybe I shouldn’t cause I know, you never knew that you are wrong. Masakit lang isipin na sa lahat  ng nangyayari ngayon, sa lahat ng gingawa mo ako yun naaapektuhan. Sabi ko nga “there’s no room for my drama” kasi kahit anung pilit kong banggain yun pader alam ko hinding hindi ko un mababasag kasi need yun ehh ako want lang. Alam ko nman yun dapat kong lugaran ngayon. Alam ko yun dapat kong intindihin kaso nahihirapan ako kasi pinaparamdam mo sakin na eto lang ako, na parang sineset aside mo  lang ako kasi hindi mo pa ko kailangan, parang basta mo nalang ako dadamputin kapag want mo na ko. Hindi kita masisisi kasi alm ko goal mo yan, wla din ako karapatan magreklamo sa ngayon kasi baka makaapekto ako sayo, sa performance mo sa pagrereview. Simpleng bagay lang nman yun hinihiling ko bigyan mo naman ako ng tym khit isang txt lang, un maalala mo lng ako na sabihan ng mga bagay na need mo gawin, na hindi ka pala uuwi, na umuwi kana pala, ganun lang naman yun hinahanap ko sayo sa mga time na ganito pero hindi eh kung hindi kapa itetext para bang wala ka talaga plano ipaalam sakin. Kaya ko naman intindihin lahat… kaso wag naman sana ganun. Sinasabi mo mahal mo ko pero sa pinapakita mo hindi mo alm un mahal dun eh. Kahit gaano kapa ka-busy kung talagang mahal moko kahit isang minuto lang magagawa moko itxt. Hindi mo kasi alm yun pakiramdam ng nag-aantay ka sa txt ng isang tao, na miya’t-miya hawak mo un cell mo dahil may ineexpect ka na mgtxt. Hindi ka naman dati ganan ah. Minsan iniisip ko na mawala nalng muna ako sayo baka sakaling makita ko yung worth ko sa sarili ko at the same time baka sakaling makita mo din un worth ko sau saka maramdaman mo yun kawalan ko. Pag nangyari un mas mkakapag-focus ka din sa gingawa mo, wala ka din iintindihin na gaya ko na laging si tampo o si demand. Kaso as if naman kaya ko sabihin sayo to, gusto ko lang maramdaman un halaga ko sayo pero takot naman ako na mawala ka sakin. Syempre malay ko ba kapag ginawa ko yun iba yun isipin mo. Hindi ko din kasi alam yun nasa isip mo, takot ako gumawa ng isang bagay kasi baka tuluyan lang ako mawalan, parang stagnant lang ako lagi sa gusto gusto pero hindi ko mgawa kasi andito un takot kaya siguro kapag nagkakaganito ulit tayo paulit ulit lang un nararamdaman ko. Sabi nga ni Colette “taken for granted ” daw ako….hahahah masakit isipin pero parang totoo, alam mo na kasi na given ako, na nadito lang ako anytime, kaya hinahayaan mo nlng ako magtampo, maramdaman yung ganito kasi alm mong maayos mo din ako, makukuha mo din ako sa konting salita. How I wish kasing tapang ako ni Colette kaya pang sabihin sa bf nya na nkikipag date sya sa iba kasi hindi nya magawa un dapat gingawa ng bf nya sa kanya. Ayun in the end effort ngaun si bf nya na makuha ulit at makausap sya. SANA. Pero hanggang ganito lng nman ako. Si tiis at si understand. LL

No comments:

Post a Comment